Matapos ang halos limang taon, inabswelto ng isang Pasig Court si Nobel Laureate at Rappler CEO Maria Ressa at ang news outfit na kaniyang pinamumunuan, ang Rappler Holdings Corporation, sa ika-lima at panghuling tax evasion case na isinampa laban sa kanila noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Nag-ugat ang kaso sa mga paratang hinggil sa value-added tax return ng Rappler noong pangalawang quarter ng 2015.
Dahil sa acquittal, dalawang kaso na lamang ang kinahaharap ni Ressa at ng Rappler. 'Yan ang apela nila sa cyber libel conviction na kasalukuyang nakabinbin sa Korte Suprema, at ang apela nila sa desisyong ipasara ang kumpanya na pending naman sa Court of Appeals.
Kaugnay ng balitang 'yan, makakausap natin si Nobel Laureate at Rappler CEO Maria Ressa.
Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/
Follow our social media pages:
• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines